Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo.” Ash-Shu‘arā’ 26:216 ⧉
Tafsīr:
Ngunit kung sumuway sila sa iyo at hindi tumugon sa ipinag-utos mo sa kanila na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay magsabi ka sa kanila: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo na shirk at mga pagsuway."