Nagsabi [si Paraon]: “Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin].” Ash-Shu‘arā’ 26:42 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila si Paraon: "Oo, magkakaroon kayo ng gantimpala, at tunay na kayo sa sandali ng pagwagi ninyo laban sa kanya ay talagang kabilang sa mga palalapitin sa ganang akin sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng mga katungkulang mataas."