Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat.” Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi [ng dagat] ay naging gaya ng bundok na dambuhala. Ash-Shu‘arā’ 26:63 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagkasi Kami kay Moises ng dalawang utos sa kanya: na hampasin niya ang dagat ng tungkod niya. Kaya hinampas naman niya nito ang dagat, kaya nabiyak iyon at naging labindalawang daanan ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel. Ang bawat bahaging nabiyak mula sa dagat ay tulad ng bundok na malaki sa laki at tatag yayamang walang tubig na dumadaloy mula sa mga ito.