Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 19 sa 93 • Tagalog


فَتَبَسَّمَ ضَاحِكًا مِنْ قَوْلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَدْخِلْنِي بِرَحْمَتِكَ فِي عِبَادِكَ الصَّالِحِينَ 19
Pagsasalin:
Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon at nagsabi siya: “Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa mga lingkod Mong mga maayos.” An-Naml 27:19
Tafsīr:
Kaya noong nakarinig si Solomon sa salita niyon ay ngumiti-ngiti siya na natatawa sinabing ito niyon. Nagsabi siya, na dumadalangin sa Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya: "Panginoon ko, magtuon Ka sa akin at magpahiwatig Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko, magtuon Ka sa akin na gumawa ako ng gawang maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa kabuuan ng mga lingkod Mong mga maayos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 18 Susunod An-Naml • Talata 20