Umalis ka kalakip ng sulat kong ito at maghatid ka nito sa kanila. Pagkatapos tumalikod ka palayo sa kanila saka tumingin ka kung ano ang [sagot na] ibabalik nila.” An-Naml 27:28 ⧉
Tafsīr:
Kaya sumulat si Solomon ng isang sulat. Iniabot niya ito sa abubilya at nagsabi siya rito: "Umalis ka kalakip ng sulat kong ito. Ipasa mo ito sa mga taga-Sheba at ipaabot mo sa kanila ito. Lumayo ka sa kanila sa isang tabi kung saan maririnig mo ang itutugon nila patungkol dito."