Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 40 sa 93 • Tagalog


قَالَ الَّذِي عِنْدَهُ عِلْمٌ مِنَ الْكِتَابِ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَنْ يَرْتَدَّ إِلَيْكَ طَرْفُكَ ۚ فَلَمَّا رَآهُ مُسْتَقِرًّا عِنْدَهُ قَالَ هَٰذَا مِنْ فَضْلِ رَبِّي لِيَبْلُوَنِي أَأَشْكُرُ أَمْ أَكْفُرُ ۖ وَمَنْ شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيٌّ كَرِيمٌ 40
Pagsasalin:
Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: “Ako ay magdadala sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo.” Kaya noong nakita [ni Solomon] iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: “Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay.” An-Naml 27:40
Tafsīr:
Nagsabi ang isang maayos na lalaking nakaaalam, na nasa piling ni Solomon, na may taglay na kaalaman mula sa kasulatan, na napaloob dito ang pinakadakilang pangalan ni Allāh, na kapag dinalanginan Siya sa pamamagitan nito ay tutugon Siya: "Ako ay magdadala sa iyo ng silya niya, bago makakisap ang mga mata mo, sa pamamagitan ng pagdalangin ko kay Allāh para magdala Siya niyon." Kaya dumalangin siya saka tumugon naman si Allāh sa kanya sa panalangin niya. Kaya noong nakita ni Solomon ang silya ng reyna na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay mula sa kabutihang-loob ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya – upang sumubok Siya sa akin kung magpapasalamat ba ako sa mga biyaya Niya o tatanggi akong magpasalamat sa mga ito? Ang sinumang nagpasalamat kay Allāh, ang pakinabang ng pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa kanya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan: walang naidadagdag sa Kanya ang pasasalamat ng mga tao. Ang sinumang nagkaila sa mga biyaya ni Allāh saka hindi ipinagpasalamat ang mga ito sa Kanya, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niyon, at Mapagbigay, na bahagi ng pagkamapagbigay Niya ang pagtatangi Niya roon higit sa sinumang nagkakaila sa mga ito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 39 Susunod An-Naml • Talata 41