Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa gawang masagwa bago ng gawang maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?” An-Naml 27:46 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila si Ṣaliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O mga kalipi ko, bakit kayo humihiling ng pagmamadali sa pagdurusa bago ng awa? Bakit nga kaya hindi kayo humiling ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala ninyo sa pag-asang maawa Siya sa inyo?"