Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila: hungkag, dahil lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umaalam. An-Naml 27:52 ⧉
Tafsīr:
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila na gumuho na ang mga dingding ng mga iyon sa ibabaw ng mga bubong ng mga ito. Nanatili ang mga ito na bakante sa mga naninirahan sa mga ito dahilan sa paglabag nila sa katarungan. Tunay na sa anumang dumapo sa kanila na pagdurusa dahilan sa paglabag nila sa katarungan ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga taong mananampalataya sapagkat sila ang nagsasaalang-alang sa mga tanda.