[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Pumupunta ba kayo sa mahalay habang kayo ay nakakikita [sa isa’t isa nang lantaran]?” An-Naml 27:54 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, si Lot nang nagsabi siya sa mga kababayan niya habang naninisi sa kanila at nagmamasama sa kanila: "Pumupunta ba kayo sa gawaing pangit, ang sodomiya, sa mga bulwagan ninyo nang hayagan habang nakakikita ang iba sa inyo sa iba pa?"