Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 60 sa 93 • Tagalog


أَمَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا بِهِ حَدَائِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَا كَانَ لَكُمْ أَنْ تُنْبِتُوا شَجَرَهَا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ 60
Pagsasalin:
O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba]. An-Naml 27:60
Tafsīr:
O ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa walang pagkakatulad na nauna at nagpababa para sa inyo, O mga tao, mula sa langit ng tubig ng ulan kaya nagpatubo para sa inyo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may kagandahan at karikitan, na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga puno ng mga harding iyon dahil sa kawalang-kakayahan ninyo roon sapagkat si Allāh ang nagpatubo sa mga iyon, ay isang sinasamba bang gumawa nito kasama kay Allāh? Hindi! Bagkus sila ay mga taong nalilihis palayo sa katotohanan sapagkat ipinapantay nila ang Tagalikha sa mga nilikha dala ng kawalang-katarungan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 59 Susunod An-Naml • Talata 61