Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. An-Naml 27:76 ⧉
Tafsīr:
Tunay na itong Qur’ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at nagbubunyag sa mga pagkakalihis nila.