Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 78 sa 93 • Tagalog


إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ بِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ 78
Pagsasalin:
Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maalam. An-Naml 27:78
Tafsīr:
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay huhusga sa pagitan ng mga tao: sa mananampalataya sa kanila at sa tagatangging sumampalataya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng kahatulan Niyang makatarungan. Kaya maaawa Siya sa mananampalataya at magpaparusa Siya sa tagatangging sumampalataya. Siya ay ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Maalam, na hindi nakalilito sa Kanya ang isang nagpapakatotoo sa isang nagpapakabulaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 77 Susunod An-Naml • Talata 79