[Sabihin mo]: “Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito – at sa Kanya ang bawat bagay – at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga tagapagpasakop [kay Allāh] An-Naml 27:91 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng Makkah, na nagpabanal nito kaya hindi padadanakin dito ang dugo, hindi lalabagin sa katarungan dito ang isa man, hindi papatayin ang ligaw na hayop nito, at hindi puputulin ang mga puno nito; at sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagmamay-ari sa bawat bagay; at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga sumusuko kay Allāh, na mga nagpapaakay sa Kanya sa pagtalima,