Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 18 sa 88 • Tagalog


فَأَصْبَحَ فِي الْمَدِينَةِ خَائِفًا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا الَّذِي اسْتَنْصَرَهُ بِالْأَمْسِ يَسْتَصْرِخُهُ ۚ قَالَ لَهُ مُوسَىٰ إِنَّكَ لَغَوِيٌّ مُبِينٌ 18
Pagsasalin:
Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: “Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw.” Al-Qaṣaṣ 28:18
Tafsīr:
Kaya noong nangyari sa kanya ang nangyari na pagkapatay sa Kopto, siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay sa kung ano ang mangyayari, saka biglang ang humingi sa kanya ng tulong at pag-aadya laban sa kaaway nitong Kopto kahapon ay nagpapatulong na naman sa kanya laban sa iba pang Kopto. Nagsabi sa kanya si Moises: "Tunay na Ikaw ay talagang may kalisyaan at pagkaligaw na maliwanag."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 17 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 19