Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 20 sa 88 • Tagalog


وَجَاءَ رَجُلٌ مِنْ أَقْصَى الْمَدِينَةِ يَسْعَىٰ قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنَّ الْمَلَأَ يَأْتَمِرُونَ بِكَ لِيَقْتُلُوكَ فَاخْرُجْ إِنِّي لَكَ مِنَ النَّاصِحِينَ 20
Pagsasalin:
May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: “O Moises, tunay ang konseho [ng mga tao ni Paraon] ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo.” Al-Qaṣaṣ 28:20
Tafsīr:
Noong lumaganap ang ulat at may dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na nagmamadali dala ng pagkahabag kay Moises sa [gagawing] pag-uusig. Nagsabi ito: "O Moises, tunay na ang mga maharlika kabilang sa mga tao ni Paraon ay nagsasanggunian hinggil sa pagpatay sa iyo kaya lumisan ka mula sa bayan. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapayo dala ng pagkahabag sa iyo na baka maabutan ka nila para patayin ka nila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 19 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 21