Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 35 sa 88 • Tagalog


قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجْعَلُ لَكُمَا سُلْطَانًا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيْكُمَا ۚ بِآيَاتِنَا أَنْتُمَا وَمَنِ اتَّبَعَكُمَا الْغَالِبُونَ 35
Pagsasalin:
Nagsabi Siya: “Magpapalakas Kami sa bisig mo sa pamamagitan ng kapatid mo at maglalagay Kami para sa inyong dalawa ng isang pangingibabaw kaya hindi sila makapagpapaaabot sa inyong dalawa [ng pinsala]. Dahil sa mga tanda Namin, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo ay ang mga tagapanaig.” Al-Qaṣaṣ 28:35
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh habang sumasagot sa panalangin ni Moises: "Palalakasin ka Namin, O Moises, sa pamamagitan ng pagpapadala sa kapatid mo kasama sa iyo bilang sugong tagatulong. Maglalagay Kami sa inyong dalawa ng katwiran at pagkatig kaya hindi sila makapagpapaabot sa inyong dalawa ng kasagwaang kasusuklaman ninyong dalawa. Dahilan sa mga tanda Naming isinugo Namin kayong dalawa dahil sa mga ito, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyong dalawa kabilang sa mga mananampalataya ay ang mga inaadya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 34 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 36