Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo. Al-Qaṣaṣ 28:4 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Paraon ay nagmalabis sa lupain ng Ehipto at nangibabaw roon. Gumawa siya sa mga naninirahan doon na mga pangkat na hinati-hati. Naniniil siya sa isang pangkat kabilang sa kanila, ang mga anak ni Israel, sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaki sa mga anak nila at pagpapanatili sa mga babae nila para sa paglilingkod bilang pagpapaigting sa pang-aaba sa kanila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo sa lupain sa pamamagitan ng kawalang-katarungan, pagmamalabis, at pagpapakamalaki.