Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 54 sa 88 • Tagalog


أُولَٰئِكَ يُؤْتَوْنَ أَجْرَهُمْ مَرَّتَيْنِ بِمَا صَبَرُوا وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ 54
Pagsasalin:
Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. Al-Qaṣaṣ 28:54
Tafsīr:
Ang mga nailarawang iyon ayon sa nabanggit ay magbibigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa gawa nila nang dalawang ulit dahilan sa pagtitiis nila sa pananampalataya sa kasulatan nila at dahil sa pananampalataya nila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang ipinadala siya, at nagtutulak sila, sa pamamagitan ng mga maganda sa mga gawa nilang maayos, sa nakamit nila na mga kasalanan, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila sa mga uri ng kabutihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 53 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 55