Hindi kayo mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa ni sa langit. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya. Al-‘Ankabūt 29:22 ⧉
Tafsīr:
Hindi kayo mga makaaalpas sa Panginoon ninyo ni mga makatatakas mula sa parusa Niya sa lupa ni sa langit. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na isang katangkilik na tatangkilik sa kapakanan ninyo at walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na isang mapag-adyang mag-aalis sa inyo ng pagdurusang dulot Niya.