[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng mahalay, habang walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang. Al-‘Ankabūt 29:28 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, si Lot nang nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng pagkakasalang masagwa, habang walang nakauna sa inyo sa paggawa niyon na isa man kabilang sa mga nilalang bago ninyo, sapagkat kayo ay ang kauna-unahan sa nagpasimula sa pagkakasalang ito, na tinatanggihan ng maayos na kalikasan ng pagkalalang (fiṭrah).