Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 33 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 33 sa 69 • Tagalog


وَلَمَّا أَنْ جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالُوا لَا تَخَفْ وَلَا تَحْزَنْ ۖ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهْلَكَ إِلَّا امْرَأَتَكَ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ 33
Pagsasalin:
Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay pinahapis siya dahil sa kanila at pinanghinaan siya dahil sa kanila ng loob. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga magliligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi]. Al-‘Ankabūt 29:33
Tafsīr:
Noong pumunta ang mga anghel na ipinadala Namin kay Lot para magpahamak sa mga kababayan ni Lot ay nagpahapis sa kanya at nagpalungkot sa kanya ang pagdating nila dala ng pangamba para sa kanila mula sa kabuktutan ng mga kababayan niya sapagkat dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaki at ang mga kababayan niya ay gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae. Nagsabi sa kanya ang mga anghel: "Huwag kang mangamba sapagkat hindi makapagpaparating sa iyo ng kasagwaan ang mga kababayan mo. Huwag kang malungkot sa ipinabatid Namin sa iyo na pagpapahamak sa kanila. Tunay na kami ay mga sasagip sa iyo at sa mag-anak mo laban sa pagkapahamak maliban sa maybahay mo; ito ay kabilang sa mga maiiwang mapapahamak sapagkat magpapahamak kami rito kasama sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 32 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 34