Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 45 sa 69 • Tagalog


اتْلُ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِنَ الْكِتَابِ وَأَقِمِ الصَّلَاةَ ۖ إِنَّ الصَّلَاةَ تَنْهَىٰ عَنِ الْفَحْشَاءِ وَالْمُنْكَرِ ۗ وَلَذِكْرُ اللَّهِ أَكْبَرُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَصْنَعُونَ 45
Pagsasalin:
Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo. Al-‘Ankabūt 29:45
Tafsīr:
Bigkasin mo, O Sugo, sa mga tao ang ikinasi sa iyo ni Allāh mula sa Qur'ān. Magsagawa ka ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan. Tunay na ang pagdarasal na isinagawa ayon sa katangian nitong lubos ay sumasaway sa tagapagsagawa nito palayo sa pagkakasadlak sa mga pagsuway at mga nakasasama dahil sa idinudulot nito na liwanag sa mga puso, na pumipigil sa paggawa ng mga pagsuway at gumagabay sa paggawa ng mga maayos. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki at higit na dakila kaysa sa bawat bagay. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga gawain ninyo, na [ang ganti] kung mabuti ay mabuti rin at kung masama ay masama rin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 44 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 46