Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 47 sa 69 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ ۚ فَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَمِنْ هَٰؤُلَاءِ مَنْ يُؤْمِنُ بِهِ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الْكَافِرُونَ 47
Pagsasalin:
Gayon Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kaya ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Mayroon sa mga ito na sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya. Al-‘Ankabūt 29:47
Tafsīr:
Kung paanong nagpababa Kami ng mga kasulatan sa mga bago mo, nagpababa Kami sa iyo ng Qur'ān. Kaya ang ilan sa kanila na nagbabasa ng Torah – tulad ni Abdullāh bin Saba' – ay sumasampalataya rito noong nakatagpo sila ng katangian nito sa mga kasulatan nila. Mayroon sa mga tagapagtambal na ito na sumasampalataya rito. Walang tumatangging sumampalataya sa mga tanda Namin maliban sa mga tagatangging sumampalataya na nakagawian nila ay ang kawalang-pananampalataya at ang pagkakaila sa katotohanan sa kabila ng paglitaw nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 46 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 48