Ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita kay Allāh, tunay na ang taning ni Allāh ay talagang darating. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. Al-‘Ankabūt 29:5 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang umaasa sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon upang gumantimpala sa kanya ay alamin niya na ang taning na itinalaga ni Allāh para roon ay talagang darating kaagad. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.