Nagsabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.” Al-‘Ankabūt 29:50 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na mga tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa sa mga sugo bago pa siya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Ang mga tanda ay nasa kamay ni Allāh lamang – kaluwalhatian sa Kanya; nagpapababa Siya ng mga ito kailanman Niya loobin. Hindi nakasalalay sa akin ang pagpapababa sa mga ito. Ako ay isang mapagbabala lamang para sa inyo laban sa parusa ni Allāh, na maliwanag sa pagbabala."