Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 60 sa 69 • Tagalog


وَكَأَيِّنْ مِنْ دَابَّةٍ لَا تَحْمِلُ رِزْقَهَا اللَّهُ يَرْزُقُهَا وَإِيَّاكُمْ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ 60
Pagsasalin:
Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. Al-‘Ankabūt 29:60
Tafsīr:
Ang lahat ng mga hayop – sa kabila ng dami ng mga ito – na hindi nakakaya sa pagtipon ng panustos ng mga ito ni pagbubuhat nito, si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at nagtutustos sa inyo. Kaya walang dahilan para sa inyo sa pag-iwan sa paglikas dahil sa pangamba sa pagkagutom. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo, ang Maalam sa mga layunin ninyo at mga ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 59 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 61