Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 8 sa 69 • Tagalog


وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ حُسْنًا ۖ وَإِنْ جَاهَدَاكَ لِتُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۚ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 8
Pagsasalin:
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang ng isang kagandahan. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. Al-‘Ankabūt 29:8
Tafsīr:
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya na magpakabuti siya sa kanilang dalawa at gumawa siya ng maganda sa kanilang dalawa. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo, O tao, upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil sa pagtatambal sa Akin – gaya ng naganap kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ – malugod si Allāh sa kanya – dahil sa ina niya – ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa kaugnay roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Tungo sa Akin lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka magpapabatid Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo at gaganti Ako sa inyo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 7 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 9