Walang ukol sa iyo mula sa pag-uutos na anuman: na tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila o magparusa Siya sa kanila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan. Āl ‘Imrān 3:128 ⧉
Tafsīr:
Noong dumalangin ang Sugo laban sa mga pinuno ng mga tagapagtambal ng kapahamakan matapos ng naganap sa kanila sa Uḥud ay nagsabi si Allāh sa kanya: "Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya nila na anuman." Bagkus ang usapin ay ukol kay Allāh, kaya magtiis ka hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan ninyo o magtuon Siya sa kanila sa pagbabalik-loob para yumakap sila sa Islām, o magpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila kaya pagdurusahin Niya sila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan, na mga karapat-dapat sa pagdurusa.