Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 130 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 130 sa 200 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَأْكُلُوا الرِّبَا أَضْعَافًا مُضَاعَفَةً ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ 130
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong kumain ng patubo, na mga ibayong pinag-ibayo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. Āl ‘Imrān 3:130
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, umiwas kayo sa pagkuha ng patubo bilang karagdagang pinag-ibayo sa mga puhunan ninyo na ipinautang ninyo gaya ng ginagawa ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng hinihiling ninyong kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 129 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 131