Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 140 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 140 sa 200 • Tagalog


إِنْ يَمْسَسْكُمْ قَرْحٌ فَقَدْ مَسَّ الْقَوْمَ قَرْحٌ مِثْلُهُ ۚ وَتِلْكَ الْأَيَّامُ نُدَاوِلُهَا بَيْنَ النَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَيَتَّخِذَ مِنْكُمْ شُهَدَاءَ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ 140
Pagsasalin:
Kung may sumaling sa inyo na isang sugat [sa labanan sa Uḥud] ay may sumaling nga sa mga [ibang] tao na tulad nito. Ang mga araw na iyon, nagpapalipat-lipat Kami sa mga iyon sa pagitan ng mga tao at upang maghayag si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa Siya mula sa inyo ng mga martir – si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan – Āl ‘Imrān 3:140
Tafsīr:
Kung may dumapo sa inyo, O mga mananampalataya, na sugat at pagkapatay sa Araw ng Uḥud ay dinapuan nga naman ang mga tagatangging sumampalataya ng sugat at pagkapatay tulad ng dumapo sa inyo. Ang mga araw ay ibinabaling-baling ni Allāh sa pagitan ng mga tao: sa mga mananampalataya sa kanila at mga tagatangging sumampalataya sa kanila ayon sa niloob Niya na pagwawagi at pagkatalo dahil sa mga kasanhiang malalim, na kabilang sa mga ito ay upang malantad ang mga mananampalataya nang totohanan mula sa mga mapagpaimbabaw, at kabilang pa sa mga ito ay upang magparangal Siya sa sinumang niloloob Niya ng pagkamartir sa landas Niya. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pag-iwan sa pakikibaka sa landas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 139 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 141