O nag-akala kayo na papasok kayo sa Paraiso samantalang hindi pa naghayag si Allāh sa mga nakibaka kabilang sa inyo at naghayag sa mga nagtitiis. Āl ‘Imrān 3:142 ⧉
Tafsīr:
O nagpalagay kayo, O mga mananampalataya, na kayo ay papasok sa Paraiso nang walang pagsubok at pagtitiis na malalantad sa pamamagitan nito ang mga nakikibaka sa landas ni Allāh nang totohanan at ang mga nagtitiis sa pagsubok na tumatama sa kanila dahil doon.