Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 146 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 146 sa 200 • Tagalog


وَكَأَيِّنْ مِنْ نَبِيٍّ قَاتَلَ مَعَهُ رِبِّيُّونَ كَثِيرٌ فَمَا وَهَنُوا لِمَا أَصَابَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَمَا ضَعُفُوا وَمَا اسْتَكَانُوا ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الصَّابِرِينَ 146
Pagsasalin:
Kay rami ng propetang may nakipaglaban kasama sa kanya na maraming pulutong ngunit hindi sila pinanghinaan ng loob sa tumama sa kanila sa landas ni Allāh, hindi sila nanghina, at hindi sila nangayupapa. Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis. Āl ‘Imrān 3:146
Tafsīr:
Kay rami ng propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh na may nakipaglaban kasama rito na mga pangkat kabilang sa maraming tagasunod nito ngunit hindi sila naduwag sa pakikibaka dahil sa dumapo sa kanila na pagkapatay at pagkasugat sa landas ni Allāh, hindi sila nanghina sa pakikipaglaban sa kaaway, at hindi sila nagpasailalim dito, bagkus nagtiis sila at nagpakatatag sila. Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis sa mga pasakit at mga pahirap sa landas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 145 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 147