Kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa Mundo at ng kagandahan ng gantimpala sa Kabilang-buhay. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. Āl ‘Imrān 3:148 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya sa kanila at pagpapatibay sa kanila. Nagbigay Siya sa kanila ng gantimpalang maganda sa Kabilang-buhay dahil sa pagkalugod sa kanila, at ng kaginhawahang mamamalagi sa mga hardin ng lugod. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila at pakikitungo nila.