Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 156 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 156 sa 200 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ كَفَرُوا وَقَالُوا لِإِخْوَانِهِمْ إِذَا ضَرَبُوا فِي الْأَرْضِ أَوْ كَانُوا غُزًّى لَوْ كَانُوا عِنْدَنَا مَا مَاتُوا وَمَا قُتِلُوا لِيَجْعَلَ اللَّهُ ذَٰلِكَ حَسْرَةً فِي قُلُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 156
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga tumangging sumampalataya at nagsabi sa mga kapatid nila nang naglakbay ang mga ito sa lupain o ang mga ito ay naging mga mandirigma: “Kung sakaling sila ay kapiling naming ay hindi sana sila namatay o napatay,” upang gawin ni Allāh iyon bilang panghihinayang sa mga puso nila. Si Allāh ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. Āl ‘Imrān 3:156
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong maging tulad ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga mapagpaimbabaw at nagsasabi sa mga kaanak nila nang naglakbay ang mga ito, na naghahanap ng panustos, o ang mga ito ay naging mga mandirigma saka namatay o napatay: "Kung sakaling sila ay kapiling namin at hindi sila pumunta [sa labanan] at hindi sila sumugod, hindi sana sila namatay o napatay." Naglagay si Allāh ng paniniwalang ito sa mga puso nila upang madagdagan sila ng pagsisisi at lungkot sa mga puso nila. Si Allāh lamang ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan ayon sa kalooban Niya. Walang nakapipigil sa pagtatakda Niya na pag-iwas sa pakikibaka at walang nagpapamadali rito na pagpunta sa pakikibaka. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: hindi naikukubli sa Kanya ang mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 155 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 157