at upang maghayag Siya sa mga nagpaimbabaw. Sinabi sa kanila: “Halikayo, makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh o magtanggol kayo.” Nagsabi sila: “Kung sakaling nalalaman naming may labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo.” Sila para sa kawalang-pananampalataya sa araw na iyon ay higit na malapit kaysa sa kanila para sa pananampalataya. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga bibig nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang itinatago nila. Āl ‘Imrān 3:167 ⧉
Tafsīr:
[Hayaang] lumitaw ang mga mapagpaimbabaw, na noong sinabi sa kanila: "Makipaglaban kayo sa landas ni Allāh o magtanggol kayo sa pamamagitan ng pagpaparami ninyo sa masa ng mga Muslim" ay nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman namin na may mangyayaring labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo subalit kami ay hindi nakakikita na may mangyayari sa pagitan ninyo at ng mga tao na isang labanan." Sila, sa kalagayan nila sa sandaling iyon, ay higit na malapit sa nagpapatunay sa kawalang-pananampalataya nila kaysa sa nagpapatunay sa pananampalataya nila. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang kinikimkim nila sa mga dibdib nila at magpaparusa sa kanila dahil doon.