Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 176 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 176 sa 200 • Tagalog


وَلَا يَحْزُنْكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ ۚ إِنَّهُمْ لَنْ يَضُرُّوا اللَّهَ شَيْئًا ۗ يُرِيدُ اللَّهُ أَلَّا يَجْعَلَ لَهُمْ حَظًّا فِي الْآخِرَةِ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ 176
Pagsasalin:
Huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya. Tunay na sila ay hindi pipinsala kay Allāh ng anuman. Nagnanais si Allāh na hindi maglagay para sa kanila ng isang bahagi sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan. Āl ‘Imrān 3:176
Tafsīr:
Huwag magsadlak sa iyo sa kalungkutan, O Sugo, ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya, na mga nanunumbalik sa mga dinaanan nila kabilang sa mga kampon ng pagpapaimbabaw sapagkat tunay na sila ay hindi magdudulot kay Allāh ng alinmang pinsala; namiminsala lamang sila sa mga sarili nila dahil sa kalayuan nila sa pananampalataya kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Nagnanais si Allāh sa pagtatwa sa kanila at hindi pagtutuon sa kanila na hindi sila magkaroon ng bahagi sa kaginhawahan sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanila roon ay isang pagdurusang sukdulan sa Apoy.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 175 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 177