Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 178 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 178 sa 200 • Tagalog


وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّمَا نُمْلِي لَهُمْ خَيْرٌ لِأَنْفُسِهِمْ ۚ إِنَّمَا نُمْلِي لَهُمْ لِيَزْدَادُوا إِثْمًا ۚ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ 178
Pagsasalin:
Huwag ngang mag-akala ang mga tumangging sumampalataya na ang ipinapalugit Namin sa kanila ay mabuti para sa mga sarili nila; nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila ng kasalanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak. Āl ‘Imrān 3:178
Tafsīr:
Huwag ngang magpalagay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila at nagmatigas sa Batas Niya na ang pagpapalugit sa kanila at ang pagpapahaba ng buhay nila, gayong sila ay nasa kawalang-pananampalataya, ay mabuti para sa mga sarili nila. Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila ng kasalanan sa dating kasalanan nila dahil sa dami ng mga pagsuway nila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mang-aaba.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 177 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 179