Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 18 sa 200 • Tagalog


شَهِدَ اللَّهُ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَالْمَلَائِكَةُ وَأُولُو الْعِلْمِ قَائِمًا بِالْقِسْطِ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 18
Pagsasalin:
Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong. Āl ‘Imrān 3:18
Tafsīr:
Sumaksi si Allāh na Siya ay ang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan, walang iba pa sa Kanya. Iyon ay dahil sa inilatag Niya na mga tandang pambatas at pangsansinukob na nagpapatunay sa pagkadiyos Niya. Sumaksi roon ang mga anghel. Sumaksi ang mga may kaalaman doon sa pamamagitan ng paglilinaw nila sa Tawḥīd at pag-anyaya nila tungo roon. Kaya sumaksi sila sa pinakadakila sa sinasaksihan at ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh at ang pagpapanatili Niya – pagkataas-taas Siya – sa katarungan sa paglikha Niya at batas Niya. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 17 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 19