Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 180 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 180 sa 200 • Tagalog


وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ يَبْخَلُونَ بِمَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ هُوَ خَيْرًا لَهُمْ ۖ بَلْ هُوَ شَرٌّ لَهُمْ ۖ سَيُطَوَّقُونَ مَا بَخِلُوا بِهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَلِلَّهِ مِيرَاثُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 180
Pagsasalin:
Huwag ngang mag-akala ang mga nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya na iyon ay mabuti para sa kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila. Kukulyaran sila ng ipinagmaramot nila sa Araw ng Pagbangon. Ukol kay Allāh ang pagmamana sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Mapagbatid. Āl ‘Imrān 3:180
Tafsīr:
Huwag ngang magpalagay ang mga nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa mga biyaya bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya kaya nagkakait sila sa karapatan ni Allāh sa mga ito. Huwag silang magpalagay na iyon ay mabuti para sa kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila dahil ang ipinagmamaramot nila ay magiging isang kulyar na kukulyaran sila sa pamamagitan nito sa Araw ng Pagbangon sa mga leeg nila habang pinagdurusa sila sa pamamagitan nito. Sa kay Allāh lamang mananauli ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ang Buhay matapos ng pagkalipol ng nilikha Niya sa kabuuan nila. Si Allāh ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng anumang ginagawa ninyo.Gaganti Siya sa inyo rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 179 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 181