Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Āl ‘Imrān 3:189 ⧉
Tafsīr:
Sa kay Allāh lamang, walang iba pa sa Kanya, ang paghahari sa mga langit, lupa, at anumang nasa pagitan ng mga ito sa paglikha at pangangasiwa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.