Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 20 sa 200 • Tagalog


فَإِنْ حَاجُّوكَ فَقُلْ أَسْلَمْتُ وَجْهِيَ لِلَّهِ وَمَنِ اتَّبَعَنِ ۗ وَقُلْ لِلَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَالْأُمِّيِّينَ أَأَسْلَمْتُمْ ۚ فَإِنْ أَسْلَمُوا فَقَدِ اهْتَدَوْا ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْكَ الْبَلَاغُ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِالْعِبَادِ 20
Pagsasalin:
Kaya kung nangatwiran sila sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay sabihin mo: “Nagpasakop ako ng mukha ko kay Allāh at ang sinumang sumunod sa akin.” Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato: “Nagpasakop ba kayo?” Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod. Āl ‘Imrān 3:20
Tafsīr:
Kaya kung nakipagtalo sila sa iyo, O Sugo, hinggil sa katotohanang bumaba sa iyo ay sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Nagpasakop ako mismo at ang sinumang sumusunod sa akin kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya." Sabihin mo, O Sugo, sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal kay Allāh: "Nagpasakop ba kayo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – bilang mga nagpapakawagas sa Kanya habang mga sumusunod sa inihatid ko?" Kung nagpasakop sila kay Allāh at sumunod sa Batas mo ay tumahak nga sila sa landas ng patnubay, at kung umayaw sila sa Islām ay walang kailangan sa iyo kundi na magpaabot ka sa kanila ng ipinasugo sa iyo at ang lagay nila ay kay Allāh sapagkat Siya – pagkataas-taas Siya – ay Nakakikita sa mga lingkod Niya.Gaganti Siya sa bawat tagagawa dahil sa ginawa nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 19 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 21