Sabihin mo [O Propeta Muḥammad]: “Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.” Āl ‘Imrān 3:31 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh sa totoo, sumunod kayo sa inihatid ko nang lantaran at patago; magkakamit kayo ng pag-ibig ni Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.