Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 34 sa 200 • Tagalog


ذُرِّيَّةً بَعْضُهَا مِنْ بَعْضٍ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 34
Pagsasalin:
mga supling na ang ilan sa kanila ay mula sa ilan. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. Āl ‘Imrān 3:34
Tafsīr:
Ang mga nabanggit na ito kabilang sa mga propeta at mga supling nilang mga sumusunod sa daan nila ay mga supling na ang ilan sa kanila ay nagkakawing-kawing mula sa iba [sa kanila] sa pananampalataya sa kaisahan ni Allāh at paggawa ng mga matuwid. Nagmamanahan sila mula sa iba sa kanila ng mga karangalan at mga kalamangan. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maalam sa mga ginagawa nila. Dahil dito, pumili Siya ng sinumang niloloob Niya mula sa kanila at humirang Siya mula sa kanila ng sinumang niloloob Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 33 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 35