Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 45 sa 200 • Tagalog


إِذْ قَالَتِ الْمَلَائِكَةُ يَا مَرْيَمُ إِنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٍ مِنْهُ اسْمُهُ الْمَسِيحُ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ وَجِيهًا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ 45
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: “O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh]. Āl ‘Imrān 3:45
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang mga anghel: "O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang anak na ang paglikha sa kanya ay magiging mula sa hindi isang ama at sa pamamagitan lamang ng isang salita mula kay Allāh sa pamamagitan ng pagsabi Niya ng: 'Mangyari' at mangyayari naman ang pagkakaroon ng isang anak ayon sa pahintulot Niya. Ang pangalan ng batang ito ay Kristo Jesus na anak ni Maria. Magkakaroon siya ng isang dakilang kalagayan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit sa Kanya – pagkataas-taas Siya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 44 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 46