Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 50 sa 200 • Tagalog


وَمُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرَاةِ وَلِأُحِلَّ لَكُمْ بَعْضَ الَّذِي حُرِّمَ عَلَيْكُمْ ۚ وَجِئْتُكُمْ بِآيَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ 50
Pagsasalin:
[Dumating ako] bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin. Āl ‘Imrān 3:50
Tafsīr:
Dumating ako sa inyo, gayundin, bilang tagapagpatotoo para sa ibinabang Torah noong wala pa ako. Dumating ako upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo noong una, bilang pagpapadali at pagpapagaan sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang patunay na maliwanag sa katumpakan ng sinabi ko sa inyo, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin hinggil sa inaanyaya ko sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 49 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 51