Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 55 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 55 sa 200 • Tagalog


إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَىٰ إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا وَجَاعِلُ الَّذِينَ اتَّبَعُوكَ فَوْقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۖ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأَحْكُمُ بَيْنَكُمْ فِيمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ 55
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Allāh: “O Jesus, tunay na Ako ay hahango sa iyo, mag-aangat sa iyo tungo sa Akin, magdadalisay sa iyo laban sa mga tumangging sumampalataya, at gagawa sa mga sumunod sa iyo na higit sa mga tumangging sumampalataya hanggang sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo, saka hahatol Ako sa pagitan ninyo sa anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Āl ‘Imrān 3:55
Tafsīr:
Nanlansi si Allāh sa kanila, gayundin, nang nagsabi Siya habang kumakausap kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus, tunay na Ako ay kukuha sa iyo nang walang kamatayan, mag-aangat sa katawan mo at kaluluwa mo tungo sa Akin, maglilinis sa iyo laban sa kasalaulaan ng mga tumangging sumampalataya sa iyo at maglalayo sa iyo sa kanila, at gagawa sa mga sumunod sa iyo sa totoong relihiyon at bahagi nito ang pananampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na higit sa mga tumangging sumampalataya sa iyo hanggang sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng patunay at dangal. Pagkatapos tungo sa Akin lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka hahatol Ako sa pagitan ninyo ayon sa katotohanan sa anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 54 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 56