Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 61 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 61 sa 200 • Tagalog


فَمَنْ حَاجَّكَ فِيهِ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ فَقُلْ تَعَالَوْا نَدْعُ أَبْنَاءَنَا وَأَبْنَاءَكُمْ وَنِسَاءَنَا وَنِسَاءَكُمْ وَأَنْفُسَنَا وَأَنْفُسَكُمْ ثُمَّ نَبْتَهِلْ فَنَجْعَلْ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَى الْكَاذِبِينَ 61
Pagsasalin:
Kaya ang sinumang nangatwiran sa iyo hinggil sa kanya matapos na may dumating sa iyo na kaalaman ay magsabi ka: “Halikayo, magsitawag tayo sa mga anak namin at mga anak ninyo, mga kababaihan namin at mga kababaihan ninyo, at mga sarili namin at mga sarili ninyo. Pagkatapos maalab na manalangin tayo saka manawagan tayo ng sumpa ni Allāh sa mga sinungaling.” Āl ‘Imrān 3:61
Tafsīr:
Kaya ang sinumang nakipagtalo sa iyo, O Sugo, kabilang sa mga Kristiyano ng Najrān hinggil sa lagay ni Jesus, habang nag-aakalang ito ay hindi isang lingkod ni Allāh, nang matapos na may dumating sa iyo na kaalamang tumpak hinggil sa lagay nito ay magsabi ka sa kanila: "Halikayo; manawagan tayo para sa pagdalo ng mga anak namin at ng mga anak ninyo, ng mga kababaihan namin at ng mga kababaihan ninyo, at ng mga sarili namin at ng mga sarili ninyo, at magtipon tayo sa kabuuan natin. Pagkatapos magsumamo tayo kay Allāh sa pamamagitan ng panalangin na magbaba Siya ng sumpa Niya sa mga sinungaling kabilang sa amin at sa inyo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 60 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 62