ni mag-uutos ito sa inyo na gumawa kayo sa mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon. Nag-uutos ba ito sa inyo ng kawalang-pananampalataya matapos noong kayo ay naging mga Muslim? Āl ‘Imrān 3:80 ⧉
Tafsīr:
Hindi nararapat dito, gayundin, na mag-uutos ito sa inyo na gumawa kayo sa mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon na sasambahin ninyo sa halip kay Allāh. Nagpapahintulot ba rito na mag-utos ito sa inyo ng kawalang-pananampalataya kay Allāh matapos ng pagpapaakay ninyo sa Kanya at ang pagsuko ninyo sa Kanya?