Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 86 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 86 sa 200 • Tagalog


كَيْفَ يَهْدِي اللَّهُ قَوْمًا كَفَرُوا بَعْدَ إِيمَانِهِمْ وَشَهِدُوا أَنَّ الرَّسُولَ حَقٌّ وَجَاءَهُمُ الْبَيِّنَاتُ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 86
Pagsasalin:
Papaanong magpapatnubay si Allāh sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at sumaksi na ang Sugo ay totoo at dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. Āl ‘Imrān 3:86
Tafsīr:
Papaanong magtutuon si Allāh sa pananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila kay Allāh at pagsaksi nila na ang inihatid ng Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay totoo at dumating sa kanila ang mga patotoong maliwanag sa katumpakan niyon? Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pananampalataya sa Kanya sa mga taong tagalabag sa katarungan, na mga pumili sa pagkaligaw sa halip ng patnubay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 85 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 87