Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 25 sa 60 • Tagalog


وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ تَقُومَ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ بِأَمْرِهِ ۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمْ دَعْوَةً مِنَ الْأَرْضِ إِذَا أَنْتُمْ تَخْرُجُونَ 25
Pagsasalin:
Kabilang sa mga tanda Niya na manatili ang langit at ang lupa ayon sa utos Niya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo sa isang pagtawag mula sa lupa, biglang kayo ay lalabas. Ar-Rūm 30:25
Tafsīr:
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pananatili ng langit nang walang pagbagsak at ng lupa nang walang pagkaguho ayon sa utos Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pagtawag mula sa lupa sa pamamagitan ng pag-ihip ng anghel sa tambuli, biglang kayo ay lalabas mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 24 Susunod Ar-Rūm • Talata 26